Posted by Robert on Apr 23, '08 5:31 AM for everyone
Syempre isa sa pinaka awaited moments nating mga Pinoy ay ang summer. Tapos na klase ( wala nang pasok), maraming naka- schedule na gimmick at di problema ang hassel na uulan kung meron kang mga plano.

Pero, isa sa isang pinaka masarap na na-aalala ko at sobrang ina-abangan ko ay ang mga pagkain pag-summer na.

Na-aalala mo ba yung Ice Candy, ibang klase yun. Ice candy ay hybrid ng ice cream at popsicle pilipino style syempre. Mura lang, inabutan ko sya ng 50 centavos ( grabe ). Ang favorite kong flavor ay buko at mangga.

Next, walang tatalo sa halo-halo. Lahat ata' nang nagtitinda may kanya-kanyang recipe. Kinaskas na yelo, sago, gatas, buko, kaong, ube at leche plan, yan ang halo-halo. Bahala ka na kung anong sahog gusto mo.

Banana Q at kamote Q, pagkatapos mong matulog ng tanghali masasarap to'. Kailangan matulog ng tanghali kasi sabi ng nanay mo para lumaki ka raw. Nag-work sa akin pero sa iba (ehem....) para di nag-work, hehehehe.

Sarap talaga ng summer, parang nagutom tuloy ako.

Ikaw anong paborito mong food pag-summer?

26 CommentsChronological   Reverse   Threaded
char0403 wrote on Apr 23
ripe mango shake - minsan may gatas minsan wala... hehehe

ginumis! tama ba spelling? basta yung pinipig na parang mais con yelo.

at shempre... sorbetes aka "dirty" ice cream.
elepsys wrote on Apr 23
kape na walang gatas pero may yelo, masama daw paghaluin ang kape at gatas sabi ni pastor luther.
meljr wrote on Apr 23
paborito ko chinese food pa rin. biro lang po.
fruit shakes pa rin. halo-halo at minatamis na saba (yung may gatas at yelo syempre).
malousemail wrote on Apr 23
Banana Q at kamote Q, pagkatapos mong matulog ng tanghali masasarap to'. Kailangan matulog ng tanghali kasi sabi ng nanay mo para lumaki ka raw.
Napabuntong-hininga ako do'n ha. You got me reminiscing...

Nakakamiss. Napanaginipan ko tuloy 'yung maiinit na hapon sa probinsya: patintero, tumbang preso, tapos bibili ng ice snow bol sa tindahan or kaya kakainin yung pasalubong ni Mommy na bibingka galing sa palengke. Ang sarap!
gj1609 wrote on Apr 23
BANANA Q!!! it's my ultimate favorite!!!!!! =)
hilaryisaac wrote on Apr 23
ICE CANDY!! woot woot! we used to make those when we were kids and sell em to neighbors. kaso nalugi kami cuz we kept eating them ourselves. HAHA
vdaswani wrote on Apr 23
hi pastor robert!

kailangan ko ng ice candy dito!

at pag-uwi ko kailangan ding mag-razon's halo-halo :-)
robhernjr wrote on Apr 23
sarap nito
rheeya wrote on Apr 24
kami, fruit shake na ginawang popsicle! throw any fruit (favorites: strawberry & mango) in the blender, freeze, wait a few hours--super yum!
robhernjr wrote on Apr 24
kaya kakainin yung pasalubong ni Mommy na bibingka galing sa palengke.
syempre iba nga pala pag may kakanin
robhernjr wrote on Apr 24, edited on Apr 24
kaso nalugi kami cuz we kept eating them ourselves. HAHA
di kayo pwedeng maging negosyante
robhernjr wrote on Apr 24
pag-uwi ko kailangan ding mag-razon's halo-halo :-)
nag-razon halo-halo kami kahapon, ang sarap!!!
maihern wrote on Apr 24
nag-razon halo-halo kami kahapon, ang sarap!!!
bakit hindi ko alam yun? sama ko!
robhernjr wrote on Apr 24
maihern said
bakit hindi ko alam yun? sama ko!
haha, busy ka sa meeting.
arnane wrote on Apr 24
Bro, Sustagen and Hopiang hapon...the best, but for you it's hopiang binaboy...i mean baboy. he he he ...Miss ko na IUD, first blood, betamax, adidas,ear phone, helmet, atbp...la talaga yan dito.:-(
hilaryisaac wrote on Apr 24
maihern said
bakit hindi ko alam yun? sama ko!
huli ka!!!! HAHAHAH pastor rob kasi eh! di nagyaya!
warriorheart6972 wrote on Apr 24
haha, ako Banana Glaze (minatamis na saging na saba sa asukal na pula with ice shavings and evaporada gatas) sarap!
isa pa yung Tubo (sugarcane) na nilalako. tinatapyas ang balat at pwede na kagatin at nguyain ang laman para masipsip ang katas tapos iluluwa yung fibers : ) sarap!
pattychronicles wrote on Apr 24
mais con hielo
robhernjr wrote on Apr 24
arnane said
Bro, Sustagen and Hopiang hapon...the best, but for you it's hopiang binaboy...i mean baboy. he he he ...Miss ko na IUD, first blood, betamax, adidas,ear phone, helmet, atbp...la talaga yan dito.:-(
wala talaga yan sa ireland, pag-uwi nyo na lang
robhernjr wrote on Apr 24
haha, ako Banana Glaze (minatamis na saging na saba sa asukal na pula with ice shavings and evaporada gatas) sarap!
tawag sa amin nyan banana con yelo, sarap.
malousemail wrote on Apr 25
Kaya nga hindi ko makalimutan nung ipasyal kami ng mga Javiers sa Tiendesitas, eh. Parang kapiraso ng langit! Ang sarap! (OA ba?...hahaha!)
robhernjr wrote on Apr 25
Parang kapiraso ng langit! Ang sarap! (OA ba?...hahaha!)
haha, talagang na miss mo ha.
conzaldy wrote on Apr 25
Two Pesos na po ice candy ngayon.. Yung iba 1.50.. Mahal na.. Hehe!.
stevemap wrote on Apr 28
Ang ganda naman ng blog mo na 'to, Pastor Robert!!! Nakakagutom. Kami rin ni Steve - halo-halo, ice cream (any kind) and fruit shake.
robhernjr wrote on Apr 28
Two Pesos na po ice candy ngayon.. Yung iba 1.50.. Mahal na.. Hehe!.
ganon ba ang mahal na pala.
wisecatz wrote on May 28
late na talaga ako.magpapasukan na eh...newei, for me, halo halo pa rin.kahit ano pa kasama nun, pwede na!! wala masyado pili para matikman ang mga bago...
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help